JOSE RIZAL, ROMANTIKO

Ang ating pambansang bayani ay nagkaroon ng napakakulay na buhay. Madalas na napag-uusapan ang kaniyang mga isinigawa bilang isang mag-aaral, ang kaniyang mga akdang tula’t nobela, at ang kaniyang sinapit na kapalaran sa kamay ng mga Kastila. Paminsan nama’y sumisilip din tayo sa kaniyang buhay pag-ibig at nalaman nating nagkaroon siya ng isang kumikinang na lab layp. Ang aming grupo ay naatasang suriin ang Romantikong aspeto sa pagkatao ni Rizal. Ang layuning kilalanin ang ating pambansang bayani ay isinulong namin sa pamamagitan ng pagsasaliksik sa kanyang mga naka-relasyong kababaihan. Hindi lingid sa kaalaman ng marami na may pagka-chikboy itong si Jose Rizal. Nasasabing nakasalamuha niya ang tatlumpu’t tatlong babae, bagama’t ang mga pinkakilala lamang ay siyam: Segunda Katigbak, Leonor Valenzuela, Leonor Rivera, Consuelo Ortiga y Rey, O-Sei San, Gertrude Beckette, Nelly Boustead, Suzanne Jacoby at ang pinakasikat sa lahat, si Josephine Bracken. Pinagtuunan namin ng pansin ang bawat babae at kani-kanilang naging ugnayan at pag-iibigan.



Ang mga imahe ang nagsisilbing menu.
I-klik lamang ang nais puntahan.


I-klik ang album na ito.
Segunda Katigbak Leonor Valenzuela
Leonor Rivera Suzanne Jacoby
O Sei San Nellie Boustead
Josephine Bracken Gertrude Beckett
Consuelo Ortiga y Rey


Pagsusuri!

Mga Iskolar ng Bayan

Mary Grace Cindy Garces
-Nagsaliksik kay Leonor Rivera, Leonor Valenzuela, at Nellie Boustead-

Dianne Manalastas
-Nagsaliksik kay Josephine Bracken-

Martin Manuson
-Nagsaliksik kay O Sei San at Suzanne Jacoby-

Maria Tierra Pura
-Gumawa ng websayt at nagsaliksik kay Segunda Katigbak-

Jerome Sebastian
-Nagsaliksik kay Consuelo Ortiga y Rey-

AJ Suzara

Nenya Trugo



Mga grapiko ay gawa ni
© tiepee ©

Ang websayt na ito ay isinumite bilang pagtugon sa pangangailangan sa
PI 100 MHW-2
Pangalawang Semestre
Akademikong Taon ng 2004-2005
G. Monico Atienza
Unibersidad ng Pilipinas, Diliman